Ni Zealyka Berlin
Sinubsob ng Interfaith Christian Academy (ICA) ang Oton National Highschool (ONHS) sa larangan ng Volleyball boys nitong Setyembre 20 sa Municipal Meet 2019 na ginanap sa mismong teritoryo ng ONHS.
Pagkatapak ng ICA sa court ay agad uminit ang tensyon ng dalawang koponan at mas lalong lumakas ang hiyawan. Unang set palang ay nagpakitang gilas na ang ICA matapos maunang umabot sa 25 puntos at iniwan ang ONHS sa iskor na 15.
Sa pangalawang set ay sinubukang bumawi ng ONHS ngunit hindi nagtagumpay nang tinupok ng ICA ang natitira nilang pag-asa at hindi binigyan ng pagkakataong humigit pa sa 10 puntos ang kanilang iskor.
Ayon kay Dann Anthony Coruña,16,na captain ball ng ICA Volleyball team, masaya siya sa kinalabasan ng laro matapos ng matinding pagsasanay at pagdarasal. Mas pinag-iigihan pa umano niya ang paglalaro sapagkat nais niyang sulitin ang huling baitang niya bilang junior. “The game was exceptional”, naman ang pahayag ng coach ng ICA Volleyball team na si Vicbryan Ochon.Dagdag pa ni Ochon,nais niyang makaakyat pa sa palaro ang koponang sinasanay niya lalo na't volleyball ang kanyang passion.
Sa kasamaang palad, dalawang set lang ang kanilang nilaro dahilan upang mabitin ang mga manonood ngunit muli silang maglalaro at makikipagkompitensya sa FCDSA.
Comments