Ni Florenz Garanganao
Isang normal na araw na naman ito para sa karamihan ngunit hindi para sa kaniya dahil haharapin na naman niya ang malupit na mundo na puno ng mga mapanghusga. Pinagkaitan siya ng matiwasay na pamumuhay dahil pasan niya ang kasalanang hindi niya ginawa.
Ang human immunodeficiency syndrome virus ay ang virus na nagiging sanhi ng HIV inection na kung hindi maaagapan ay maaaring humantong sa acquired immunodeficiency syndrome o AIDS na isang kondisyon sa katawan ng tao na nagiging sanhi ng paghina ng kanilang immune system na minsan ay nagiging dahilan ng pagkakaroon nila ng iba't ibang sakit.
Si Junnie ay ipinanganak na may HIV, wala pang kamuwang-muwang ang bata ay pinandidirian na siya ng mga tao dahil kalat na sa bayan na HIV positive ang kaniyang ina habang ipinagbubuntis siya nito.
Isa lamang ang ina ni Junnie sa pitong buntis na may HIV sa bansa na maaaring hawaan ang kanilang mga anak at sa paglutas ng panahon ay patuloy din ito sa pagdami.
Itinatalagang mayroong 40 na indibidwal ang nagiging positibo sa HIV araw-araw ngayong taon. Noong Marso ay nasa 1, 172 ang kaso na inireport at 215 dito ay humantong na sa AIDS. Nasa 3, 434 na ang kasong nasa datos ngayong taon at pito nito ay mga buntis. Sa 1, 172 na kaso, apat dito ang edad 15 pababa, 359 ay nasa edad 15-24 at 591 dito ay nasa edad 25-34.
Ipinatingin ng nanay niya si Junnie sa doctor at dito nila nakumpirma na HIV positive din siya. Nais niyang ipagamot ito upang hindi na siya pandirian ng tao at mabuhay na siya ng payapa, na hindi palaging nagkakasakit at isinusugod sa ospital. Gustuhin man ng doktor at ng kaniyang Ina, walang gamot sa sakit niyang ito.
Walang gamot sa HIV ngunit sa pamamagitan ng antiretroviral therapy, maaaring kontrolin ang virus. Sa ngayon ay may mga mananaliksik na naghahanap ng gamot para rito.
Naging parte na ng buhay ni Junnir ang kaniyang gamot ay tinanggap na niya ang kaniyang sakit at namuhay siya nang matiwasay kaama ang kaniyang Ina na hindi iniintindi ang mga panghuhusga sa kanila.
Comments